Friday, February 15, 2013

at forty-eight minutes past nine

Buti na lang


Buti pa ang hotdog, kayakap ng bun

Buti pa ang chicken, may joy


Buti pa ang perang buo, nasusuklian

Buti pa ang sukli, di nakakalimutan

Buti pa ang wallet, di iniiwan

Buti pa ang multo, nagpaparamdam

Buti pa si Lois Lane, may Superman


Buti pa ang Facebook, may like

Buti pa ang lecture, may lab


Buti pa ang LBM, di kayang tiisin

Buti pa ang taghiyawat, laging napapansin

Buti pa ang Rubik's Cube, pinipilit buuin

Buti pa ang fairy tales, may happy ending


Buti pa ang email, may attachment

Buti pa ang banko, may interest


Buti pa si Taylor Swift, may Love Story

Buti pa ang economics, may maximum utility

Buti pa ang bubuyog, may honey

Buti pa ang Masscom, may UPJC (maisingit lang)

Buti pa sa KEYBOARD, ang U and I laging magkatabi


Buti pa ang internet, may connection

Buti pa ang traffic, nag-momove on


Buti na lang di ako bitter

Hindi masyadong halata, diba?

At kahit ano pa sabihin nila,

Wala na kong masasabi, kundi…

Maligayang araw ng Puso sa mga masasaya,

Sa mga nag-iisa at naghahanap ng kasama.

Buti na lang di ako bitter.

Buti na lang talaga.



hahahahahahahahahaha!

*dahil na-depress ako sa econ exam, eto ay para sa inyong lahat. BAWAL KUMONTRA!

**wrote this last Feb. 14, 2011 and here's the second part...


____________________________________________


Buti Pa




Buti pa ang picture, nadedevelop

Buti pa ang relo, laging may time

Buti pa ang chromosomes, laging may ka-pair

Buti pa ang kalendaryo, may date

Buti pa ang ParaƱaque, may BF

Buti pa ang elevator, may GF

Buti pa ang sintas, nakatali



Buti pa ang dagat, may bouys

Buti pa ang weather, may PAG-ASA

Buti pa ang kalawakan, may pagna-NASA



Buti pa ang telepono, sinasagot

Buti pa ang Downy, may passion

Buti pa ang magnetic poles, may attraction

Buti pa ang Spratly’s, daming umaangkin

Buti pa ang tinola kapag tag-ulan, laging hahanap-hanapin



Buti pa ang senior citizen, laging priority

Buti pa ang selfish, walang kahati

Buti pa ang manibela, di pwedeng bitawan

Buti pa ang radyo, pinapakinggan

Buti pa ang sale, pinag-aagawan

Buti pa ang lotto, pinipilahan

Buti pa ang bonus, kinasasabikan


Buti pa sa Temple Run, laging may naghahabol

Buti pa ang desisyon ng judge, walang tumututol


Buti pa ang saging, may puso

Buti pa ang beer, may tama sayo



Buti pa ang ilaw, tubig, kuryente

Pati alak at sigarilyo nagmamahal

Pero eto ako sa likod ng opisina, nagmumura

Dahil sa (*insert curse word here) trabaho at problema ng iba

Buti na lang di ako bitter

Buti na lang talaga.


February 15 (9:44 am)

anyone??


*wrote this today because i promised I would make a part 2...so here it is. and also i needed to write because there's so much more bitterness in work than in love. hahahaha! ^____^ TGIF